I wrote this article waaay back when I was in Hong Kong. Even then, Arnel Pineda was an amazing singer.My friends and I (staff of Hong Kong News) had to acknowledge that he was no ordinary singer. He had real talent, and he had presence.
The sad thing was, the bar where we watched him perform was seldom full, so often he performed to a half-empty (or half-full, depends on how you look at it) venue.
Anyways, here’s the article.
———
Wednesday, July 5th, 2006 (July 7 issue of Hong Kong News)
HALOS dalawang taon nang tumutugtog sa Cavern sa Lan Kwai Fong ang bandang The Bones. Pulos Pilipino ang mga miyembro ng bandang ito – sina Karen Domingo, Arnel Pineda mga vocalist; Monet Cajipe, rhythm guitar; Pierre Donovan Luib, bassist; Darren Mercado, drummer; at Elmer Palermo, keyboardist.
Sa buong panahong ito, nakilala ang banda para sa mahusay na pagtugtog at ‘concert-standard’ na pagkanta ng dalawa nitong bokalista. Hindi man napupuno ng mga Pinoy at Pinay ang Cavern tuwing weekdays kung kailan subsob sa trabaho ang mga OFW at hindi halos lumalabas ng flat ng kani-kanilang employer, madalas namang walang maupuan tuwing set ng banda dahil maraming mga ‘gweilo’ at iba pang mga turista at Chinese na residente.
Matagal-tagal na rin sina Arnel at Karen sa pagiging singers. Sa batang-gulang na 14, professional na si Karen at nanalo na sa mga national competitions sa Pilipinas gaya ng dating palabas sa RPN 9 na ‘Ang Bagong Kampeon.’ Tumugtog na rin siya sa iba’t-ibang hotel sa ibang bansa.
Si Arnel naman ay nagsimulang maging vocalist ng banda sa edad na 15. Tumugtog na ang kanyang banda na ‘Amo’ sa Shakey’s na kilalang hang-out ng mga mahilig sa live-band music, at nanalo na rin sa mga band competitions.
Nagkasama sila at ng buong banda sa The Cavern Setyembre 2004, at maganda ang kanilang naging chemistry bilang isang grupo. Asawa ni Karen ang drummer na si Darren. Gaya din ng ibang mga OFW, nasa Pilipinas ang kani-kanilang mga pamilya at sa kanila nakalaan ang kalakhan ng kanilang sinusweldo.
Ayon kay Arnel, mahirap ang trabaho pero masayang mag-perform. ‘Nagre-react kami sa audience, pinaanood namin sila at nage-gauge namin kung anong mood nila. Pag mukhang pagod lahat, relaxing music ang kakantahin namin. Pag mukhang malulungkot, medyo upbeat ang aming pipiliin,” aniya.
Ang responsiveness na ito sa audience ang makikitang isang dahilan ng tagumpay ng banda. Habang nagpeperform, mapapansin ang rapport nila sa mga nanunood at nakikinig. Kakaway si Arnel, ngingiti sa Karen sa ilang nasa audience. Parang dun lang mismo sa stage nila pinipili kung ano ang susunod na kanilang tutugtugin.
“Depende nga kasi sa mood ng audience. Minsan,sige, kahit nababaduyan kami sa kanta, pero nakita naming bagay sa age-bracket ng mga nasa audience, kinakanta namin,” kwento ni Karen. Kaya nga naman minsan ay kinakanta nila ang walang kamatayang ‘My heart will go on” ni Celine Dion na theme song ng ‘Titanic.’
Pag dumating ka ng alas-9, maririnig mo ang mga kanta ng dekada 70, 80, at kalagitnaan ng 1990s. Karaniwang mga pop ballads o kung tawagin ay ‘slow rock’ o ‘mellow music’ mula sa mga kanta ng The Carpenters, ni Anita Baker, Christopher Cross, Sade at Billy Joel. Minsan hahalo sa kanilang repertoire ang mga hits ng Soul Asylum, U2, The Police, at mga bagong kanta nina Alicia Keys, Norah Jones, Robbie Williams at Red Hot Chili Peppers.
Walang mapapansing pattern sa seleksyon ng mga kanta dahil salitan ang mood na sinasalimin ng mga awit. Ang malinaw lang, nag-eenjoy ang audience kahit nakaupo lang sa kanilang mga orange na de-kutsong bar stool o banquet seat at nag-aalaga ng bote ng $55 na beer.
Pagpatak ng alas-11, rock-and-roll at disco naman. At dito talaga lumalabas ang energy ng audience na karaniwang binubuo na ng mga employees na gustong mag-unwind, mga bored na residente, at mga kabataang nilalabanan ang antok dahil gusto talagang mag-party.
Nakikita nina Arnel na mapalad sila kumpara sa maraming musikero na nasa Pilipinas. Bagamat tutoong hindi rin naman daw kalakihan ang sweldo nila dito sa Hong Kong, ‘di hamak namang mas malaki pa rin ito sa nakukuha ng kanilang mga kapanalig sa iniwang bayan.
“Sampu sampera ang magagaling na musicians sa atin, kaya masakit na hindi lahat nakakakuha ng magandang break,” ani Arnel. Naghihimutok din sila sa anila’y ‘diskriminasyon’ na dinadanas ng mga HK-based musicians. ‘Mas mataas ang bayad sa mga Puti. Siyempre kahit paano masusukat ang respetong binibigay sa iyo in terms of kung magkano ang binibigay sa iyo.”
Ayon sa isang survey, kumikita ang mga musician sa Maynila ng mula US$5 (HK$39) hanggang US$10 kada araw (o P250), habang ang mga overseas music jobs ay maaring pagkakitaan ng mula US$600 hanggang US$1,500 kada buwan (o P31,800- P78,000). Sa isang bansa kung saan 43 percent ng populasyon ang nabubuhay sa US$2 kada araw (ayon sa World Bank), ang kumita ng HK$10,000 kada buwan bilang musikero sa Hong Kong ay isang malaking tulong sa pamilya.
Gayunpaman, mas mababa pa rin, gaya ng sabi ni Arnel, ang kita ng mga Pinoy na musicians. Ayon na rin sa isang anonymous na performer, depende sa lahi ang swelduhan sa mga musikero sa Hong Kong. May mga Amerikanong musikero ang kumikita ng HK$30,000 hanggang HK$40,000 kada buwan; habang ang mga lokal na talent ay nakakakuha ng HK$15,000.
“Talagang nakaka-dismaya din. Passionate ang mga Pinoy kung mag-perform kahit pa covers lang ang kinakanta, ubos-lakas talaga Unfair na kulang ang binibigay sa atin na recognition at respect,” ani Arnel.
Samantala, katulad pa rin ng ibang mga OFW, may opinyon din sina Karen sa mga kaganapan sa Pilipinas. Migranteng manggagawa din sila tulad ng mga kababayang domestic helper, at apektado ng mga nangyayari sa Pilipinas dahil nandun ang mga mahal sa buhay.
“Sana magkaisa na lang ang mga Pilipino,” anila. “Parang walang kauuwian ang pinaghihirapan ng mga OFW dahil sa corruption sa Pilipinas. Si Arroyo naman,dapat bumababa na. Lalong gumugulo ang sitwasyon, bumabagsak ang ekonomya.”
Isang bagay na gustong makita nina Arnel ang magkaisa ang mga musikerong Pilipino sa Hong Kong. “Maganda sana kung magagawa ng mga musicians na magtulungan, para mapataas natin ang pagkilala sa galing ng mga Pinoy dito. Huwag na sana magkaroon ng inggitan o alitan,” aniya. “Magtulungan dapat ang mga Pilipino na nasa ibang bansa.”
Parang mga bampira ang mga Pinoy na musikero, lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga bars. Sa paglubog ng araw, saka lang sila lalabas, at gigisingin ang gabi gamit ang kanilang mga boses at instrumento. Mga artista at migranteng manggagawa, tumutulong sila na ipakita sa mundo ang kakayanan at talento ng mga Pilipino.#
Joseph Estrada a.ka. Erap is again running for president. Unbelievable. It makes one’s stomach turn over how he is being so selfish and so deluded as to think that it is he who is the nation’s hope for change and that he can, ‘again’, make a difference.
Now my views about Binay are slightly more positive– the man has worked for Makati, and he has been able to do some measure of good for his constituents. I really cannot make definite conclusions, only impressions; and my impressions, based on the little I see and know of Makati and the local government there, are positive.
Lists, lists, lists all running in my head like a very, very long ticker tape. The world inside my head expands like a balloon slowly filling with helium, and I feel giddy. The lists are about needs and desires. There are so many things I want to do, things I want to happen, wish for, want; but the sorry fact is there are limits. Boundaries must be respected, limitations acknowledged. It’s far from being a perfect world, otherwise we could all do so much good and not just for our own selves but for other people, and humanity would be a few more steps closer to heaven on earth.
I’ turned 34 yesterday. It’s strange how I don’t feel a day like it.
Money, money. Gad.
There is much to applaud about the efforts of various people’s organizations, Church and ecumenical humanitarian groups and media outlets to bring aid to the victims of Tropical Storm Ondoy. Without their outstanding help, it is highly likely that the death toll would be much higher, and the suffering of the survivors would be even worse (yes, impossible as it may sound, it could still be worse).
This is one more thing the government and the system should be held accountable for: for snatching away the remnants of dignity left to so many Filipinos.
The biggest crime would be to allow the kind of government we have, the kind of system that’s in place, to continue. I think this is the lesson that typhoon Ondoy has taught us.
cinated by penguins-those tuxedo-wearing,flightless birds who live in the coldest places on earth. My favorite penguin is named Opus – he’s the neurotic but good-natured, naive and paranoid Emperor penguin who has been immortalized in Berke Breathed’s comic strip “Bloom County.”
I’m not to crazy about Mar Roxas being Noynoy Aquino’s running mate for vice-president, but I suppose he could do much worse, no I won’t be crabby about it. I don’t see myself voting for Mar Roxas, though. I completely disagree with his championing the Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).
It’s my first time to read anything by Paulo Coehlo, and so far, I’m not bored.
eries which grew heavier and more metaphorical as the plot continued and developed), but they are so very entertaining. Stephenie Meyer uses the language with grace, and she is capable of lovely descriptions and passages. One wonders what she could come up with if she chooses a heavier, more serious topic than vampires and aliens (which is the topic of her book ‘The Host’).
I am pleased as punch! A day after the Roman Catholic leadership in the country issued statements pressuring him to change his stand on the Reproductive Health Bill, Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III has promptly answered that he will not give up his support for the use of artificial contraceptives to curb population growth – even at the risk of incurring the ire of the Catholic Church.
In the meantime, there are so many developments in the field of science that have to do with birth control. There studies that say that pills are dangerous for women’s health. Wouldn’t it be better for people to be able to talk and discuss these developments among themselves and with professional, medical practitioners instead so they can make informed decisions? So they can take care of themselves better? Making something a taboo topic, if it has to do with health and safety, is dangerous.