Achieving Happiness

May 26, 2008

Kato-liko

Filed under: Uncategorized — Ina Alleco @ 9:14 am

Nakakaloka talaga ang Simbahang Katoliko — hindi nagbigay ng misa para kay Ka bel sa Legaspi dahil hindi naman daw siya Katoliko.

Una, Katoliko sa Ka Bel. Bininyagang siyang Katoliko; naging sakristan nung binata siya (pero huminto nang isang hapon ay nakita ang isang pari ng kanilang parokya sa Bacacay na may kasamang babae — bumukas daw ang pinto ng opisina ng pari at may lumabas ang isang babae na sa itsura ng buhok at pananamit ay mukha daw may ginawang ‘kakaiba’ sa kwarto). Nung bandang 35 taong gulang naman siya, nagkursilo — inamin sa sarili, sa asawa at sa harap ng simbahan at mata ng diyos na siya’y nagkaroon ng mga pagkukulang at pagkakamali bilang lalaki, asawa, at ama.

Bilang congressman, nakailang beses nagpa-isponsor ang kanyang opisina ng KATOLIKONG misa sa House of Representatives. Mga misa na nakaalay sa pagsusulong ng mga adhikain ng mga manggawa, kawani at maralitang Pilipino. Nago-offertory siya, salmo responsorio, at tumatanggap noon ng kumunyon.

Nung ika-50 anibersaryo ng kanyang kasal kay ka Osang, mga Katolikong pari ang nagbigay ng misa na ginanap sa PHilippine Heart Center, kabilang na si Fr. Joe Dizon.

So Katoliko siya. Hindi man siya linggo-linggong nagsisimba o nagtitika kapag Mahal na Araw, tingin ko mas nalampasan, nahigitan ni Ka Bel ang pamumuhay ng mas maraming nagkukunwaring banal at taimtim na nagdadasal/nagrorosaryo/palagiang nagkukumpisal na Katoliko – kabilang na dito ang mga pari sa mga mayayamang parokya o yung mga pari na hindi nadadalwang-isip na suportahan ang berdugong gobyerno ni Gloria Macapagall-Arroyo at bigyan ng komunyon ang naturang mamatay-tao, kurakot at sinungaling na huwad na pangulo.

Pero kunwaring hindi siya Katoliko. Kunwaring iniwan nga niya ang pagigiing Katoliko – sapat na dahilan ba ito para tumanggi ang Simbahan na magbigay ng misa para sa kanya? Dahilan na ba ito para tanggihan ng Simbahan ang kanyang pamilya na basbasan ang labi ng kanilang pinakamamahal na padre de pamilya? Walang saysay ba ang naging buhay at paglilingkod ni Ka Bel sa mahihirap, sa masang anakpawis — ang hindi maipagkakailang pagbibigay ng buong lakas, tapang at talino sa mga pinagsasamantalahan at inaapi na sila ding sinabi ni Hesus na dapat na paglingkuran at tulungan?

On the ‘technicality’ (which is how the Church seems to understands the situation- the factor that made it decisive for it to declare Ka Bel ineligible for a Catholic mass) that Ka Bel’s family chose to hold his wake at the Iglesia Filipina Independiente, the Roman Catholic Church in the Philippines refused to hold mass for Ka Bel.

One would have thought that the family’s decision would have made the Church humble and hence still offer to hold mass for Ka Bel despite. That it would’ve been some sort of wake-up call for the Church to take a more active, participatory role in the shaping of values in society; the sort of values that venerate genuine, selfless and sincere service to the poor and downtrodden and give Ka Bel tribute.

After all, he was a godly man, a man who lived for others, self-sacrificing and giving.

Nakakahiya. Talagang nakakahiya. Mga Katoliko lang pala ang ipinagdadasal ng Simbahang Katoliko? Kapag hindi ka Katoliko, gaano man kahalaga at kadakila ang iyong naging buhay, hindi ka kakikitaan ng ‘worthiness’ at bigyan ng misa at basbas?

Am going to attend the BAYAN-sponsored tribute tonight. FInally, lalabas na rin ako ng bahay at pupuntahan si Ka Bel. Naiisip ko siyang pagalitan — tatayo ako sa harap ng kanyang kabaong at manenermon – what the heck were you doing up on the roof at 6am?!! You should’ve known better! There would’ve been at least a hundred other people who would’ve gladly climbed up that ladder to fix the leak — people who would’ve been honored to serve such a humble, giving and sincere servant of the masses.

Pero wag na, wag na. Alam na ni Ka Bel kung ano ang nasa isip at puso ko. Alam kong naiitindihan niya kung bakit may galit ako sa kanya at sa kanyang biglaang pagkamatay. Noong buhay pa siya, madalas ko na rin siyang napagalitan (dahil mahal namin siya, dahil iniingatan namin ang kanyang kapakanan at kalusugan, at dahil ayaw naming managot sa sambayanan sakaling may mangyaring masama sa kanya. Sa tutoo lang, napaka-protective ng staff kay Ka Bel – gegerahin namin ang sino mang pipitik kay Ka Bel.). Lagi na lang namin siyang nasasabihan ng “Hay naku, Ka Bel!” kapag nakakalimutan niyang kumain dahil busy sa pagpapabasa; o dahil may kinausap at tinulungang masa; kapag hindi niya naiinom agad ang kanyang gamot sa altapresyon. Tatawa-tawa lang siya noon pag nahuling tumatakas mula sa kanyang mga security staff gaya nina Ka Jim at Ka Noi at susuong sa bulto ng mga rali at nakikipagkamay, nakikipag-usap sa pinakamaraming bilang ng tao. Idadaan lang niya sa biro kapag pinuna siya kung bakit bigla-bigla na lang siyang nagpapalit ng schedule nang hindi muna nagpapaabot sa kanyang appointment secretary na si Ka Ofel — hindi kasi siya marunong tumanggi sa mga paanyaya at imbitasyon: kahit sasampung tao lang ang lalahok sa isang pagtitipon, pupunta pa rin siya.

Ka Bel, huling araw na ng lamay mo bukas, at sa Miyerkules ililibing na ang iyong mga labi. Huling gabi na daw ng parangal mo bukas, pero sa tutoo lang, we, I, will never stop paying you tribute. Sa pagpapatuloy ng paggampan ko ng anumang tungkulin para sa Kilusang Mapagpalaya, sa bawat sulating nakapatungkol sa adhikain ng tunay na kalayaan, katarungan at demokrasya para sa nakakaraming api, ikaw ay palaging bibigyang pugay dahil isa kayo sa dalawang taong lubos na nagturo sa akin ng kahulugan ng tunay na paglilingkod. Sa aking pinaka-abang paraan, sa aking pinakamaliit na kontribusyon sa iyong niyakap na adhikain, sisikapin ko pong patuloy kayong parangalan. Mahal na mahal ko po kayo.

Advertisements

1 Comment »

  1. […] The passing of Rep. Crispin Beltran of Anakpawis, a true patriot according to Uniffors, and whose death had the Justice Secretary commemorating it by pissing on his grave (I agree), has been eloquently marked in two entries by Achieving Happiness, see her Crispin ‘Ka Bel’ Beltran, mahal kong boss at Kasama and Hay naku, Ka Bel! . She also takes the Catholic Church to task in Kato-liko. […]

    Pingback by Manuel L. Quezon III: The Daily Dose » Blog Archive » Corporate drama — May 27, 2008 @ 6:32 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: