Achieving Happiness

May 19, 2009

Isang taon makalipas kang pumanaw

Filed under: Uncategorized — Ina Alleco @ 6:28 am

CBHi, Ka Bel!

Alam mo po, miss na miss ko na kayo. Hanggang ngayon ngayon nga, nahihirapan pa rin akong magsulat ulit tungkol sa inyo. Ngayon nga lang habang tina-type ko ang mga salitang ito para sa iyo, namumuo ang luha sa mga mata ko. Sinisipon ako, at sumasakit ang dibdib: parang kinukurot, at mahapdi sa pakiramdam.

Tama bang sabihin na hanggang nagyon ay di ko pa rin tanggap na wala ka na? Oo. Oo.

Hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako tuwing naalala kong wala na kayo. Na hindi ko na kayo makakausap, na hindi na ako magsusulat muli sa iyong pangalan.Na hindi ko na maririnig ang inyong nakakahawang tawa, at makikita kung paano kayo magsulat — napakalandi at napaka-gandang handwriting.

Napakabait ninyong tao, Ka Bel. Walang bola, walang biro: wala kayong katulad o katapat.  Sa sipag at katapatan sa sinumpaang gawain, wala akong ibang maisip na katulad ninyo.  Kasi, naging katapat ng iyong  sipag ay ang inyong kabaitan at pagiging mapagkumbaba. The best boss in the world — and that’s an understatement when applied to your case. It was really the highest honor to work with and for you, Ka Bel.

Sa isang taon na hindi namin kayo kapiling Ka Bel,  hindi maipagkakaila na dama ang inyong pagkawala, lalo na sa mga aktibidad at pagkilos ng KMU. Napakatangal na panahon na kayo ang tumayong matibay na pinuno ng KMU, at sa lahat na dinaanang problema at tagumpay ng KMU, andun kayo, matiyagang nagsisikap at palagiang naghahanap ng paraan upang itambol ang mga isyu ng mga manggagawa at ng kilusang paggawa.

Sa 12 na taong nakatrabaho ko kayo, Ka Bel, napakalaki ng epekto ng inyong disiplina at paraan ng pagtatrabaho sa akin. Between you and Ka Raffy, masasabi kong  nabuo ang aking pagiging aktibista, at nakita ko kung ano ang tamang aktidud na dapat tanganan. Syempre pumapalpak pa rin; syempre may mga kahinaan pa rin; pero pag naiisip ko kayo — ikaw at si Ka Raffy — mas madaling magwasto; mas madaling umamin ng kamalian at magsikap na hwag na uling maulit ang mga ito.Mas madaling makita kung bakit kailangang maging mas matibay laban sa mga makasariling kagustuhan at ambisyon. You taught by example, Ka Bel; and the lessons I learned were very valuable and will serve me all my days, sa loob ng kilusan man o sa labas.

Ka Bel, may anak na po ako. Si Kimiko. “Miko” po ang tawag namin sa kanya. I wanted for her to meet you, kaso nga, nawala na kayo. Nung palapit na ang panahon ng kanyang pagsilang, pinag-isipan naming mag-asawa kung papangalanan namin siyang “Crispina,” kaso alangan namang ‘Ka Belina” ang maging nickname niya, kaya “Kimiko” na lang. Anyways, Miko’s 10 months old, and she’s brilliant (ahem!). Kim and I will make sure na lalaki siyang alam kung sino kayo at kung ano ang naging napakalaking kontribusyon ninyo sa lipunang Pilipino, at sa kabuuan ng kasaysayan ng paglaban ng uring  anakpawis sa daigdig.

Ang dami-dami kong gustong ikwento sa inyo, Ka Bel.  Halimbawa, kahit minsan hindi ko nagawang banggitin sa inyo ang sobrang pasasalamat ko sa inyo nang ihatid ninyo ako sa Isabela nang mamatay ang ama ko. Alam kong pagod na kayo nun, Ka Bel; pero pinilit nyo pa rin akong ihatid kahit ilang beses kong sinabing pwede naman akong mag-bus at hindi naman ako takot byumahe mag-isa. Nagulat ang lahat nang dumating tayo sa bahay ng lola ko kung saan nakalagak ang mga labi  ng aking tatay. Nagulat at natuwa naman ang aking mga kamag-anak, at lubos-lubos ang pagpapasalamat sa inyong pakikiramay. Kayo naman ay ngumiti lang at nagsabing hindi talaga kayo papayag na umalis akong mag-isa, nang hindi kayo nakakapunta sa lamay ng aking tatay at makidalamhati sa aking ina at kapatid.

Noong gabi makalipas na kayo’y dalhin na inyong himlayan, napanaginipan ko kayo, Ka Bel. Ang saya-saya ng panaginip na iyon! Paano ba naman ay nakangit kayo sa akin. Hindi kayo nagsalita, ngunit nakangiti kayo, at maging ang inyong mga mata ay nakatawa din, at sa panaginip ko, habang kinakausap ko kayo, ang gaan-gaan ng aking pakiramdam. Paggising ko, hindi na umalis ang masayang damdamin: isang paalam ba iyon, Ka Bel? Iyon ba ang inyong paalam sa akin, waring isang pasabi na ihinto ko na ang pag-iyak dahil okey na kayo? Ito na lang ang inisip ko Ka Bel, at ang alaala ng inyong huling ngiti sa akin ang palagi kong bitbit.

O sya, Ka Bel. Dito na muna. Bukas ay first death anniversary ninyo. Maraming aktibidad, at sana’y makapunta ako. Aabsent muna ako sa trabaho. Mahal na mahal ko po kayo, Ka Bel.

Advertisements

1 Comment »

  1. mabigat pa rin talaga sa dibdib…. miss na miss ko rin sya…

    Comment by me-an — September 16, 2009 @ 12:55 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: