Achieving Happiness

October 27, 2009

Arnel Pineda nung di pa siya sikat

Filed under: Uncategorized — Ina Alleco @ 5:12 am

I wrote this article waaay back when I was in Hong Kong.  Even then, Arnel Pineda was an amazing singer.My friends and I (staff of Hong Kong News) had to acknowledge that he was no ordinary singer. He had real talent, and he had presence.

The sad thing was, the bar where we watched him perform was seldom full, so often he performed to a half-empty (or half-full, depends on how you look at it) venue.

Anyways, here’s the article.

———

Wednesday, July 5th, 2006  (July 7 issue of Hong Kong News)

121207-journey-manHALOS dalawang taon nang tumutugtog sa Cavern sa Lan Kwai Fong ang bandang The Bones. Pulos Pilipino ang mga miyembro ng bandang ito – sina Karen Domingo, Arnel Pineda mga vocalist; Monet Cajipe, rhythm guitar; Pierre Donovan Luib, bassist; Darren Mercado, drummer; at Elmer Palermo, keyboardist.

Sa buong panahong ito, nakilala ang banda para sa mahusay na pagtugtog at ‘concert-standard’ na pagkanta ng dalawa nitong  bokalista. Hindi man napupuno ng mga Pinoy at Pinay ang  Cavern tuwing weekdays kung kailan subsob sa trabaho ang mga OFW at hindi halos lumalabas ng flat ng kani-kanilang employer, madalas namang walang maupuan tuwing set ng banda dahil maraming mga ‘gweilo’ at iba pang mga turista at Chinese na residente.

Matagal-tagal na rin sina Arnel at Karen sa pagiging singers. Sa batang-gulang na 14, professional na si Karen at nanalo na sa mga national competitions sa Pilipinas gaya ng dating palabas sa RPN 9 na ‘Ang Bagong Kampeon.’ Tumugtog na rin siya sa iba’t-ibang hotel sa ibang bansa.

Si Arnel naman ay nagsimulang maging vocalist ng banda sa edad na 15. Tumugtog na ang kanyang banda na ‘Amo’ sa Shakey’s na kilalang hang-out ng mga mahilig sa live-band music, at nanalo na rin sa mga band competitions.

Nagkasama sila at ng buong banda sa The Cavern Setyembre 2004, at maganda ang kanilang naging chemistry bilang isang grupo. Asawa ni Karen ang drummer na si Darren. Gaya din ng ibang mga OFW, nasa Pilipinas ang kani-kanilang mga pamilya at sa kanila nakalaan ang kalakhan ng kanilang sinusweldo.

Ayon kay Arnel, mahirap ang trabaho pero masayang mag-perform. ‘Nagre-react kami sa audience, pinaanood namin sila at nage-gauge namin kung anong mood nila. Pag mukhang pagod lahat, relaxing music ang kakantahin namin. Pag mukhang malulungkot, medyo upbeat ang aming pipiliin,” aniya.

Ang responsiveness na ito sa audience ang makikitang isang dahilan ng tagumpay ng banda. Habang nagpeperform, mapapansin ang rapport nila sa mga nanunood at nakikinig. Kakaway si Arnel, ngingiti sa Karen sa ilang nasa audience. Parang dun lang mismo sa stage nila pinipili kung ano ang susunod na kanilang tutugtugin.

“Depende nga kasi sa mood ng audience. Minsan,sige, kahit  nababaduyan kami sa kanta, pero nakita naming bagay sa age-bracket ng mga nasa audience, kinakanta namin,” kwento ni Karen. Kaya nga naman minsan ay kinakanta nila ang walang kamatayang ‘My heart  will go on” ni Celine Dion na theme song ng ‘Titanic.’
Pag dumating ka ng alas-9, maririnig mo ang mga kanta ng dekada 70, 80, at kalagitnaan ng 1990s. Karaniwang mga pop ballads o kung tawagin ay ‘slow rock’ o ‘mellow music’ mula sa mga kanta ng The Carpenters, ni Anita Baker, Christopher Cross, Sade at Billy Joel. Minsan hahalo sa kanilang repertoire ang mga hits ng Soul Asylum, U2, The Police, at mga bagong kanta nina Alicia Keys, Norah Jones, Robbie Williams at Red Hot Chili Peppers.

Walang mapapansing pattern sa seleksyon ng mga kanta dahil salitan ang mood na sinasalimin ng mga awit. Ang malinaw lang, nag-eenjoy ang audience kahit nakaupo lang sa kanilang mga orange na de-kutsong bar stool o banquet seat at nag-aalaga ng bote ng $55 na beer.

Pagpatak ng alas-11, rock-and-roll at disco naman. At dito talaga lumalabas ang energy ng audience na karaniwang binubuo na ng mga employees na gustong mag-unwind, mga bored na residente, at mga kabataang nilalabanan ang antok dahil gusto talagang mag-party.

Nakikita nina Arnel na mapalad sila kumpara sa maraming musikero na nasa Pilipinas. Bagamat tutoong hindi rin naman daw kalakihan ang sweldo nila dito sa Hong Kong, ‘di hamak namang mas malaki pa rin ito sa nakukuha ng kanilang mga kapanalig sa iniwang bayan.
“Sampu sampera ang magagaling na musicians sa atin, kaya masakit na hindi lahat nakakakuha ng magandang break,” ani Arnel. Naghihimutok din sila sa anila’y ‘diskriminasyon’ na dinadanas ng mga HK-based musicians. ‘Mas mataas ang bayad sa mga Puti. Siyempre kahit paano masusukat ang respetong binibigay sa iyo in terms of kung magkano ang binibigay sa iyo.”

Ayon sa isang survey, kumikita ang mga musician sa Maynila ng mula US$5 (HK$39) hanggang US$10 kada araw (o P250), habang ang mga overseas music jobs ay maaring pagkakitaan ng mula  US$600 hanggang US$1,500 kada buwan (o P31,800- P78,000). Sa isang bansa kung saan 43  percent ng populasyon ang nabubuhay sa  US$2 kada araw (ayon sa World Bank), ang kumita ng HK$10,000 kada buwan bilang musikero sa Hong Kong ay isang malaking tulong sa pamilya.

Gayunpaman, mas mababa pa rin, gaya ng sabi ni Arnel, ang kita ng mga Pinoy na musicians. Ayon na rin sa isang anonymous na performer, depende sa lahi ang swelduhan sa mga musikero sa Hong Kong. May mga Amerikanong musikero ang kumikita ng HK$30,000 hanggang HK$40,000 kada buwan; habang ang mga lokal na talent ay nakakakuha ng HK$15,000.

“Talagang nakaka-dismaya din. Passionate ang mga Pinoy kung mag-perform kahit pa covers lang ang kinakanta, ubos-lakas talaga Unfair na kulang ang binibigay sa atin na recognition at respect,” ani Arnel.

Samantala, katulad pa rin ng ibang mga OFW, may opinyon din sina Karen sa mga kaganapan sa Pilipinas. Migranteng manggagawa din sila tulad ng mga kababayang domestic helper, at apektado ng mga nangyayari sa Pilipinas dahil nandun ang mga mahal sa buhay.
“Sana magkaisa na lang ang mga Pilipino,” anila. “Parang walang kauuwian ang pinaghihirapan ng mga OFW dahil sa corruption sa Pilipinas. Si Arroyo naman,dapat bumababa na. Lalong gumugulo ang sitwasyon, bumabagsak ang ekonomya.”

Isang bagay na gustong makita nina Arnel ang magkaisa ang mga musikerong Pilipino sa Hong Kong. “Maganda sana kung magagawa ng mga musicians na magtulungan, para mapataas natin ang pagkilala sa galing ng mga Pinoy dito. Huwag na sana magkaroon ng inggitan o alitan,” aniya. “Magtulungan dapat ang mga Pilipino na nasa ibang bansa.”

Parang mga bampira ang mga Pinoy na musikero, lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga bars. Sa paglubog ng araw, saka lang sila lalabas, at gigisingin ang gabi gamit ang kanilang mga boses at instrumento. Mga artista at migranteng manggagawa, tumutulong sila na ipakita sa mundo ang kakayanan at talento ng mga Pilipino.#

Advertisements

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: