Achieving Happiness

November 4, 2009

Satur Ocampo, may puso, prinsipyo at paninindigan

Filed under: Uncategorized — Ina Alleco @ 8:23 am

Halaw ang sumusunod sa isang interbyu ni Ka Satur sa isang personality-profiles show noong 2007, panahon nang siya’y muling arestuhin at kasuhan ng rebelyon.  Batay ang mga linya sa mga aktwal na salitang kanyang binitiwan. Nauna na itong pinost  ni Tonyo Cruz sa kanyang blog noong 2007, at ngayon ito ay inaamyendahan at pinagyayaman sa intensyong ito ay palalaganapin.

so & anto beforeSino ni Satur Ocampo?

Ako si Satur Ocampo, kongresista, aktibista.

Apat na dekada na akong nakikibaka sa lansangan, sa peryodiko, sa kabundukan noon, sa larangan ng Kongreso naman ngayon.

Nagsimula ang lahat noong nasa Grade 4 ako.

Ang kalaban ko sa scholarship ay anak ng principal ng elementary school na kakumpitensiya ko hanggang high school. Palagi akong nalalagay sa 2ndso & anto after honor kahit sa hindi naman ako nagkulang sa grades.

At dahil magbubukid lang ang tatay ko at mayaman ang kaklase ko, salutatorian lang ako nagtapos.

Lumuwas ako ng Maynila, bitbit ang pagnanasang maging pantay ang pagkakataon para sa mayaman at mahirap.

Hindi ako naging doktor gaya ng pinangarap ko.

Ako’y naging mamamahayag.

Sumapi ako sa Kabataang Makabayan, nagprotesta laban sa pagtaas ng presyo ng langis at political repression.

Nang magdeklara si Marcos ng martial law, sumali ako sa kilusang lihim o underground. Tumulong ako sa pagtaguyod ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Payak ang naging kasal namin ni Bobbie Malay.

Sa isang maid’s room kami kinasal. Gaya sa lahat ng bagay sa kilusan, ang haba-haba ng naunang diskusyon!

Sa underground movement isinilang sina Silahis at Antonio, mga bunga ng pagmamahalan at ng aming pinaglalaban.

Pero nahiwalay ako sa kanila nang ako’y arestuhin.

Dumaan ako sa matinding torture — electric shock sa katawan, karate, buntal, umpog sa ulo, paso ng sigarilyo sa ibat’t-ibang bahagi ng katawan. Nagawang tiisin ang bawat sakit.

Pero ang ang hirap akong tiisin noon, ang pagkawalay ko sa pamilya.

Pinamunuan  ko ang mga political prisoners,at madalas pag dumating ang kanilang mga pamilya na may mga problema, dumudulog sila sa ‘kin. Naubos ang oras ko sa kanila habang ang sarili kong mga anak ang naiwang naghihintay, ‘di ko naasikaso.

Nagtatampo sila noon.

Umiiyak ako pag wala sila.

Pati mga anak ko, nag-rally para sa aking paglaya.

Pero matigas ang ulo ni Marcos kaya sa aking ika-siyam na taon ng pagkakakulong ko, pinalaya ko ang aking sarili — tumakas ako.

Nung sumunod na national convention ng National Press Club kung kailan may eleksyon ng opisyales, binigyan ako ng pass, sinamantala ko na. Pagkaboto ko, ginamit ko ang service stairs mula 4th floor dun ako lumusot…

Bumalik ako underground.

Una akong lumitaw nung 1986 peace talks. Bumagsak ito dahil pinaslang ng gobyerno ang 18 magsasaka sa tinaguriang Mendiola Massacre ng Pebrero 22, 1996.

Bumalik ako sa underground.

Makalipas ang tatlong taon, muli akong inaresto, kasama ng aking kabiyak.

Taong 1992 na nang mapawalang-sala kami sa mga kasong murder, kidnapping at illegal possession of firearms.

Taong 1999, itinayo namin ang Bayan Muna. Taong 2001, umupo ako bilang kinatawan nito at hanggang sa kasalukuyan, ay naglilingkod sa sambayanan bilang isang progresibong konggresista.

Kakaibang labanan ang ang meron dito. Madumi at kumplikado. Kailangang matibay ang paghawak sa prinsipyo at dapat laging tangan ang tindig ng masang anakpawis sa mga isyung panlipunan.

Nanindigan ako sa pulitika ng pagbabago, ang pulitikang tunay na naglilingkod sa bayan.

Kahit kailan hindi ako kinain ng sistema.

Hindi ako nasusuhulan, hindi mabibili ang aking paninindigan.

‘Di pa rin ako mayaman.

Simple lang ang bahay ko at isa lang ang kotse ko, luma pa.

Ako ang naghahanda ng sarili kong almusal at almusal ng aking pamilya, pagkatapos ay naghuhugas at nagliligpit ng pinagkanan.

Kapag hindi ako nagtatrabaho sa kongreso, gawaing-bahay ang hinaharap ko. Naglilinis, naglalaba, nag-aayos ng gamit.

Kasabay ng pagiging aktibista, ako’y isang  isang mapagmahal na asawa at ama;  isang magiliw na lolo.

Sa Kongreso ang mga dating kalaban, minsan ay nagiging kakampi. Sa isang takdang panahon, ang mga nang-aapi, nagsasamantala at umaabuso sa  kapangyarihan, sila ang unahing labanan  patalsikin.

Pero hindi natin kinakalimutan ang ‘di pa nareresolbang usapin ng human rights violations sa panahon ni Marcos. Di rin natin kinakalimutan ang mga naging aral sa pagpapatalsik kay Estrada. Natututo tayo sa laging bigong proseso ng impeachment kay Arroyo.

Marami pa rin akong kabiguan dahil sa dami kong panukalang isinampa, kakaunti lang ang naipasa. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob at tuloy-tuloy ang pagsumite ng mga panukalang batas at resolusyon para sa kagalingan ng masa. Marami pa ring maliliit na tagumpay na pinagwagian.

Pero di rin kalian man iniiwan o kinakalimutan ang parlyamento ng lansangan. Dahil ang masa, ang mamamayan pa rin ang mapagpasya. Nasa kanila ang lakas, nasa kanila ang pag-asa.

At sila din ang ating pinaglilingkuran sa tuwina.

Sa Kongreso, nasimulan nang marinig ang boses ng masa. Kailangang ganito rin ang mangyari sa senado.

Mahaba pa ang pakikibaka, at habang buhay ako, tuloy ang aking paglaban sa kahit anong mapang-aping gobyerno. Tuloy ang laban para sa mga inaapi at pinagsasamantalahan.

—————————-

Satur Ocampo. May puso, prinsipyo at panindigan.



Advertisements

5 Comments »

  1. Mabuhay po kayo Congressman Ocampo, Sana Lahat ng nagse serbisyo sa gobyerno ay katulad ninyo. Hangang sa Senado susuportahan namin kayo tulad ng pagsuporta ninyo sa mga maralita.

    Comment by angie — November 5, 2009 @ 5:44 am

  2. […] isa, dalawang pagpapakilala si Ina Silverio-Gargar kay Kong. Satur Ocampo ng Bayan […]

    Pingback by Quezon: Que Sira, Sira? « Kapirasong Kritika — November 5, 2009 @ 2:54 pm

  3. isa sa mga tinitingala namin ng dekada 80 noong aming kabataan puno ng sigla, pangarap at idealismo. kamo ka satur kasama ka sa aking iboboto

    Comment by lito — November 22, 2009 @ 4:40 am

  4. I am a fan of Satur! May he serve in the Senate before he eventually retires. He’s one of a rare breed. Go! Go! Go!

    Comment by Ugin — November 24, 2009 @ 6:42 am

  5. sa mga tunay lang na makabayan ako at aking lahi lilinya. mabuhay ang masang anakpawis! mabuhay ang mga nasa partido makabayan. pulitika ng pagbabago ay masasandigan.

    Comment by DOMINGO — December 14, 2009 @ 12:10 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: