Achieving Happiness

February 1, 2010

Pagkain at pagluluto ni Satur Ocampo

Filed under: Uncategorized — Ina Alleco @ 6:02 am


Tanong: May mga bulong-bulong po na may alam ka daw sa pagluluto. Marunong ba talaga kayong magluto?

Sagot: Oo, pero di naman magaling. Kaya kong iluto ang mga simpleng putahe na kinalakhan ko sa Sta. Rita, Pampanga. Noong panahon na nakulong ako ng militar sa Bicutan, natututo din akong magluto nang maramihan. Nagluluto kami noon nang grupo-grupo.

Tanong: Saan kayo natutong magluto? Marunong po ba kayo ba dahil Pampanggo kayo? Ano-ano ang mga specialty sa probinsya mo?

Sagot: Sa pamilya namin ng mga magsasaka, hindi kakakaiba na ang mga lalaki ang matutong magluto mula sa aming nanay. Pinapanood namin at tinutulungan siya noon na iluto ang araw-araw na pagkain namin. Ang mga matrabahong putahe naman, niluluto lang sa mga ispesyal na okasyon gaya ng pista gaya ng sa Mayo 22.

Natuto akong magluto ng mga karaniwang pang-araw-araw na ulam: sinigang sa bayabas (isda o hipon) at sinigang sa sampalok, kamyas o manggang hilaw (baboy o baka) na may kasamang gabi; tipe kamanyang (ginisang stringbeans at talbos na may baboy na hiniwa nang manipis at hipon na di binalatan — dinididik sa almires ang balat ng hipon at ang katas naman ay nilalagyan ng kaunting tubig. Hinahalo itong katas sa baboy at hipon bago ilagay ang gulay); adobong manok/baboy; bola-bolang tugak (meatballs na gawa sa palaka sa isang malinaw na sabaw o hinaluan ng misua); betute (piniritong palaka na may stuffing); paksiw na isda (hito, dalag, bangus na may dahon ng alagaw); ningnang bulig/hito/bangus; gisadong kamaru/sibaung (gisisang earwigs o water beetle); tidtad o dinuguan; burung talangka at ginisang tabang talangka.

Nagluluto lang ako pag kinakailangan, at hindi dahil mahilig ako sa pagkain o mahilig magluto. Masaya naman akong magluto, pero di rin kasi ako mapili sa pagkai. Simple lang ang mga pangangailangan ko, kahit sa pagkain.

Nakakain lang naman ako sa mga restaurant noong naging peryodista na ako sa Manila Times. Ang ilang mga una kong karanasan nang pagkain sa labas ay sa Aristocrats’ sa Roxas Boulevard. Nanlibre noon si Juan Ponce Enrile na noon ay customs commissioner pa lang. Nilibre niya ako kasama ng ilan pang business reporters. Naalala kong masarap ang chicken honey, fresh lumpia at kare-kare.

Sa mga panahon na nakakalabas kami noon ng maybahay kong si Bobbie, kumakain kami ng gambas at fried squid, minsan steak na may kasamang malamig na malamig na beer. Ang nakakatawa, matagal naming pinag-iipunan ang mga ganung date — buwan din kaming nagtitipid para makakain sa labas! Maliit lang kasi ang political allowance, at kailangang tipirin.

Noon namang political prisoner pa ako, natututo akong mag-imbento o magrecyle ng pagkain gamit ang mga tira-tira at mga dahon-dahon sa paligid. Nagtanim kaming mga detainees ng alugabti, kamote, kulitis, kangkong, pansit-pansitan, saluyot at sili. Nagtanim din ako noon ng ampalaya, kaya okey ang dahon at bunga. Sa paso naman, nagtanim ako ng kutsay.

Nang makalabas ako, simple pa rin naman ang pagkain.

Kadalasan, nag-i-isteam lang ako ng dahon at ng tangkay ng gulay, hinahalo sa kamatis, carrot at pipino; minsan naman sa sibuyas at kaunting suka. Minsan naman, lalagyan ko ang salad ng curry powder at sesame seeds, o hiwa-hiwang pinatuyong seaweed.

Sa ordinaryong ginisang munggo, hinahaluan ko ng malunggay, alugbati, o talbos ng kamote, celery. Pag may tirang manok, nilalagay ko din, o tinapa o chicaron.

Sabi ng mga anak kong sina Silahis at Anto, masarap daw ang sinangag ko — may strips ng tuyo at chopped na hilaw na mangga; strips ng ham at manok na may chopped na celery, green onion leaves o kutsay; strips ng scrambled na itlog, manok at curry powder; o minsan mga pinaglutuan ng adobong baboy.

Marunong din akong gumawa ng fruit salad, fruit-yoghurt shake at fruit juice.

Hindi ako gaanong mahilig kumain sa labas. Iniiwasan ko ang mga pagkain mamantika. Iba pa rin talaga ang sarap ng lutong bahay; mas masarap at mas magana kang kumain sa iyo kapag ang tanghalain o hapunan mo ay niluto at hinain sa yo ng mahal mo sa buhay. #

Advertisements

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: